On our last topic, we learned that there is no such thing as small time business, only small minded business people. It doesn't matter what business you put up. Your success depends entirely on your approach, your thinking.
Today, lets move on to the sixth installment of our 7-part series. Are you ready? Then read on...
Naalala ko yung minsan nagtext ako sa kaibigan ko, kako "Bro, kamusta?", then nagreply siya, "Eto, SAKTO lang..." Tapos, nag reply ako, "Talaga, ano ba para sayo ang sakto?" Ayun, di na nagreply... End of conversation. Tuwing may nagsasabe sa akin na SAKTO lang daw sila, tapos tatanungin ko sa kanila kung ano ba ang ibig sabihin sa kanila ng SAKTO, di na sila nagrereply... Bakit kaya?
BECAUSE IN REALITY, THERE IS NO SUCH THING AS "SAKTO/SIMPLENG BUHAY". IT DOESN'T EXIST!
As far as I know, meron lang dalawang klase ng buhay: POOR/PUBLIC and RICH/PRIVATE. Walang in between...
Look, pag gusto mong mag-aral, saan ka mag-aaral? Meron bang SIMPLENG PAARALAN para sa mga SIMPLENG ESTUDYANTE? Pag nagutom ka, saan ka kakain? Meron bang SIMPLENG KAINAN na may SIMPLENG PAGKAIN? Pag namalengke ka, meron bang SIMPLENG PALENGKE na may tindang SIMPLENG GALUNGGONG? Pag nagkasakit ka, saan ka magpapagamot? Meron bang SIMPLENG OSPITAL para sa SIMPLENG PASYENTE na may SIMPLENG UBO?
In short, dalawa lang ang klase ng tao: MAYAMAN AT MAHIRAP...MAY PERA at WALANG PERA!
Eto realities:
Ang MAHIRAP pag gustong mag-aral, saan mag-aaral? Edi sa PUBLIC SCHOOL! PUP,UP,PLM,etc. (No offensement ha...) Eh, what if MAHIRAP NA MAHIRAP talaga? Edi dun sa MABABANG PAARALAN NG LUMANG BAYAN NG LUMANG SITIO! Imagine, MABABA na, LUMA pa! Makagraduate ka man, walang tatanggap sayo. Hehe... What if SUPER MAHIRAP NA MAHIRAP? Edi SELF STUDY na lang... WALANG PERA EH!
Ang MAYAMAN, pag gustong mag-aral, saan mag-aaral? Ateneo, La Salle, Benilde, Miriam,etc. Eh what if SUPER YAMAN? Saan mag-aaral? Edi sa Duke, Harvard, UCLA, etc. Bakit? MAY PERA EH!
Ang MAHIRAP, pag nagkasakit, saan magpapagamot? Fabella, San Lazaro, Pagamutang Bayan ng Malabon, PGH, etc. Anong kwarto? Ward! Yung 50 kayong pasyente don. Matututukan ka ba ng doktor? Malamang hindi, eh kasi andami nio e. Ano yung gamot mo? Generic! Now, what if MAHIRAP NA MAHIRAP talaga? Saan magpapagamot? Dun kay Mang Pedring! Paanong treatment? Hilot! Anung gamot? Pinakuluang ugat! Bakit? WALANG PERA EH!
Ang MAYAMAN pag nagkasakit, saan dadalhin? St.Lukes, Makati Med, Asian Hospital, etc. Anung kwarto? Private room! Anung gamot? Branded! What if MAYAMAN na MAYAMAN? Saan dadalhin? Dun sa Estados Unidos! Bakit? MAY PERA EH!
Now, idefine natin kung ano ba talaga ang SIMPLENG BUHAY. Eto scenario, use your IMAGINATION:
Dalawang klase ng buhay, Buhay A at Buhay B.
Buhay A goes like this: Gigising ka, magluluto ng almusal, aalis ka ng bahay, maglalakad ka sa sakayan ng tricycle, mahaba pila at mausok, pagbaba ng tricycle, lakad ka na naman papuntang sakayan ng jeep, pila ulit at siksikan. Pagbaba ng jeep, lakad ka na naman papuntang sakayan ng MRT o LRT, again, mahabang pila, super siksikan. Pagbaba ng MRT, lakad ka ulit papunta sa school o opisinang pinapasukan mo.
Buhay B goes like this: Gigising ka, tapos kakain ka na lang ng pagkaing nakahain na sa mesa, paglabas mo ng bahay, may kotse ka at my driver kang naghihintay sau, at ihahatid ka sa school o opisinang pupuntahan mo.
Base sa nabasa mo, alin ang SIMPLENG BUHAY, Buhay A o Buhay B? Malamang Buhay B isasagot mo. Kung SIMPLENG BUHAY ang Buhay B, anong klaseng buhay yung Buhay A? MISERABLENG BUHAY! Isipin mo, yun ba ang SIMPLE sayo? Yun na ba ang SAKTO sayo? Yun na ba ang klase ng buhay na gusto mo?
May mga nagsasabi saken na MALUHO daw yung Buhay B. Eto naman sabe ko: If that's what you THINK, you can never be RICH. Kasi ayaw mong tanggapin. Hindi kaya ng UTAK mo.
Many people just want/intend to be COMFORTABLE. Makakain ng 3 beses isang araw, makabayad na bills, mamuhay lang daw ng SIMPLE. But here's what I say: COMFORTABLE is the KISS OF DEATH TO SUCCESS! Why, hindi ka na maghahangad ng mas magandang buhay, kasi nga feeling mo, SAKTO kana or COMFORTABLE ka na. Ayaw mo ng maghanap na bigger opportunities, kasi you have the feeling of COMFORT. I just want you to remember: SUCCESS comes from OUTSIDE of your COMFORT ZONE.
Now, if you would still insist na ayaw mo ng magandang buhay, ang gusto mo ay simple/saktong buhay lang, eto lang masasabi ko sayo... SELFISH ka. Why? Oo, ikaw komportable ka, sakto ka... Pero tinanong mo na ba ang mga taong nakapaligid sau kung sakto ba sila? Yung nanay mo or tatay mo,tinanong mo na ba sila kung SAKTO pa sila? Di mu ba alam na hanggang ngayon, ngta-trabaho pa rin ang nanay mo para mapakain ka? Tapos sasabihin mong SAKTO ka? Tinanong mo na ba ang tatay mong nasa abroad, na nagtitiis na pagod at homesick, para may maibigay siya saung pang-tuition kung SAKTO pa ba siya? Tapos ikaw, feeling mo SAKTO ka? Yung anak mo, tinanong mo ba siya kung SAKTO pa siya? Ni-hindi mo maihatid sa school nia,naiinitan, nauulanan... kasi wala kang kotse... Tapos SAKTO ka pa rin? Kung SAKTO ka, ikaw lang yun, pero I'm sure yung mga mahal mo sa buhay, hindi sila SAKTO, gusto nila ng magandang buhay.
And due to the power of intention, that's exactly what you will just get and not a dime more... Instead of living on less, learn what it takes to EARN MUCH MORE... MUCH MORE!
Kailangan ko bang maging mayaman? YES! You've got to have a "DESIRE" to get RICH. Why? In addition to solving financial problems, here are other reasons:
1) Lifestyle - There's no question about the difference in terms of lifestyle when you are rich than being broke or just comfortable. Example, ilang beses kang pumasok sa mall na wala kang dala, paglabas mo, wala ka pa ring dala? Pamilyar ka ba? May mga bagay kang kursunada mong mabili, pero di mo ma-afford, kasi wala kang pera. Eto pa, tuwing kakain ka sa restaurant, everytime you are the food menu, saang part ka nakatingin, sa KANAN o sa KALIWA? Sa KANAN diba? Ano bang meron sa KANAN? PRESYO! Meaning ang nagdidikta ng kakainin mo, hindi yung gusto mo, kundi kung ano lang ang kaya ng bulsa mo. I believe that life is far too short not to eat what you really like. Being rich gives you the opportunity to live in a beautiful home, drive a great car, send your kids to the best schools in town, and travel around the world with the people you care about most. Meaning, its not necessarily just for you, but also for those people that you love. Di ko sinasabing you can't be happy if you are not rich, but the way I look at it, its that you have ONE LIFE, and why not honor yourself as well as the people you care about, with the best life has to offer.
2) Longevity - Alam mo bang maraming tao na may sakit ang namamatay na lang dahil sa kawalan ng pera? Walang pang-admit sa magandang ospital, walang pambili ng mga gamot. What if magkasakit ka, or mahal mo sa buhay, and unfortunately, wala kang pera? Napakasakit makita ang mahal mo sa buhay na mamatay na lang ng walang kalaban-laban... Pero wala kang magawa, kasi wala kang pera.
3) Contribution - I believe na isa sa mga dahilan kung bakit mo kailangang maging mayaman, is para makatulong sa iba, especially to those na hindi kasing palad mo. Di hamak na mas marami kang matutulungang tao if you're rich, than being poor or broke.
4) Who you become - In character, in attitude, in habit, and in mindset. Who you become in the process of what you achieved is actually more important that just what you achieved.
This is part six. To conclude, take this: WALANG MASAMANG MAGHANGAD YUMAMAN O NG MAGANDANG BUHAY. ESPECIALLY PARA SA MGA TAONG MAHAL MO.
Till here na lang muna. Last part is on its way. Thank you for reading. Thanks!
Your lifetime friend and coach,
Rocky dela Cruz
MLM Coach and Trainor
Team Leader, Team Royal Dragons
grabeh!!!!!!!!!! nabasa ko lahat nang blogs mo up... grabeh to...
ReplyDeletetama tlagah!!!!!!