I believe na narinig mo na sa mga business presentations/MAMs ang mga ganitong istorya:
"Ay grabe guys! Dati lang akong janitor, pero ngayon kumikita na ako ng 50,000 isang linggo (showing his payout check sa mga nakapalibot na guests), at ngayon nagmamaneho na ako ng Brand New Expedition ko!" (sabay turo sa bagong labas na Ford Expedition) "Grabe! Power dito! Chika-chika lang, tapos after a week, CHEKE-CHEKE na!" (continuously waving his payout check)
eto pa...
"Ay, power talaga dito guys! Dati na-kidnap lang din ako parang kayo, pero after 6 months, nakabili nko ng sariling Auto ko! Grabe! Power! Payaman talaga dito guys!" (susundan ng palakpakan ng mga members)
Siguradong uuwi ang mga guests na baliw na baliw.
This is a very common scene, yung Hype recruiting or Baliwan is very common strategy na ginagawa ng mga Uplines at mga Leaders. For today's lesson, iseshare ko lang yung thoughts ko about this unethical practice of some MLMers.