Ang ise-share ko sa inyo is a SERIES. A 9-part Series entitled
"The 9 Deadly Pitfalls of Network Marketing".
I've been teaching this sa mga trainings namin, especially sa mga leaders namin. May mga nag rerequest din kasi na i-post ko na lang daw thru this blog. Para pwede nilang basahin at i-share sa mga leaders nila.
Ok, let's get started.... Ano ba yung pitfall? Bangin diba? As we know, talagang "DEADLY" o maaring ikamatay kung mahulog ka sa bangin. Just like in MLM business, may mga "DEADLY PITFALLS" kung saan marami sa mga networkers ang "nahuhulog" or nag-cocommit ng mga mistakes while doing this Business. The purpose ng training na ito is for you to avoid ang mga deadly pitfalls na ito. So that mabawasan yung mga magiging failures mo and setbacks habang ginagawa mo ang MLM business. We don't intend na umiwas sa failures, kasi kasama talaga yun para mag SUCCEED ka. We just want to LESSEN your failures and mistakes. At least, hindi mo na gagawin diba?
Now let's ko with DEADLY PITFALL Number ONE....
DEADLY PITFALL Number One:
REINVENTING THE WHEEL
Disclaimer: This one is for people who belongs with teams/groups na meron nang effective and efficient na mga SISTEMA.
Wheel.. as in Gulong. Normally, anu bang shape ng gulong? Bilog diba? Bakit kaya bilog ang hugis ng gulong? Intended kasi yan para maging smooth ang pag-andar ng isang sasakyan. Pero what if yung gulong ay hugis pentagon? Or octagon? Or triangle? Malamang hindi magiging maganda yung takbo ng isang sasakyan. In MLM business, yung gulong is the system ng team or grupo nio.
Ang system is a step by step guidelines na susundin ng lahat ng mga tao or downlines mo. Dapat maperpetuate mo yan hanggang sa kaila-ilaliman ng organization mo, para ma-DUPLICATE ka. May iba't ibang sistema ang isang grupo or team. Sistema ng pag-iinvite, pag-closing, pagpe-present, prospecting, at marami pang iba.
Kapag kasi sinusunod mo yung sistemang itinuturo sayo ng mga uplines mo, mas nagiging madali yung pagbi-business mo. Bakit? Kasi yung mga techniques/strategies na ituturo nila sayo are those na dumaan na sa trial and error at inaaply na nila. At nai-apply na rin yan ng mga team mates mo. Syempre hindi naman na ituturo ng mga uplines yung mga bagay na makapagpapabagal sayo, ang ituturo nila ay yung mga effective na techniques. Maswerte kana kasi hindi mo na maeexperience yung mga failures na mga uplines mo. Kumbaga, sinimento na nila yung daan para sayo. Di ka na manghuhula kung ano bang mga dapat mong gawin. All you have to do is to apply kung anuman yung mga ituturo nila sayo. Again, attending trainings are useless kung hindi mo naman iaapply yung mga natutunan mo.
Pero may mga instances na yung ibang mga members ay gumagawa na kanilang sariling sistema. They REINVENT the WHEEL. Kasi masyado silang matalino. Kasi A.K.N.Y. (Alam Ko Na Yan) sila. Itinuturo na sa mga trainings ang mga basics kung paano mo gagawin ng tama yung business, pero still may mga iba na may sariling diskarte. Hindi naman masama kung meron kang sariling diskarte or thinking outside the box, as long as magiging effective at efficient ka sa mga gagawin mo. Pag gagawa ka kasi ng sarili mong sistema (especially kung new blood ka or bago ka pa lang sa MLM), dadaan ka pa sa Trial and Error. Therefore, marami kang masasayang na effort, oras, at prospects. Idagdag mo pa diyan yung mga magiging rejections at discouragements na mangyayari sayo. Magtatagal ka pa magka-resulta niyan kasi puro trial and error yung ginagawa mo. Sabi ng mentor ko,
"Sa Networking, habang tumatagal ka na walang resulta,
LALO SIYANG HUMIHIRAP."
Sa tingin ko, isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang rate ng mga nag-ffail sa Network Marketing (97%) is because maraming nag-jojoin sa isang grupo/team na walang maayos na sistema. Or kung meron mang system in place, ayun nga, gumagawa pa ng sarili nilang sistema. Hindi sila marunong mag-humble down at sumunod sa mga nauna sa kanila. Ang masakit pa nito, kapag hindi sila kumita, ang sinisisi nila ay yung industry. I remember yung sinabi ng isang Network Marketing Leader sa isang training na naatenan ko dati,
"Yung mga hindi kumikita sa MLM ay yung mga taong matitigas ang ulo..."
So that's Part One of our 9-Part Training Series. Stay Tuned for Part Two.
Your Lifetime Friend and Partner in Business,
Rocky dela Cruz
MLM Coach and Trainor
Team leader, Team Royal Dragons
P.S. As a token of appreciation, I have an e-book to share with you. Para mas maraming learnings. Eto link: http://www.4shared.com/office/fjuK6y14/Goals_How_to_Get_Everything_Yo.html
No comments:
Post a Comment