Now that I'm back into writing, Ituloy na natin yung naputol na Series entitled "The 9 Deadly Pitfalls of Network Marketing".
I already shared with you yung first 2 pitfalls (Reinventing the Wheel and Small Time attitude), and for today ise-share ko na sa inyo yung Deadly Pitfall #3...
Are u Ready? Read On...
Deadly Pitfall #3
Procrastination
Nosebleed ba? (just kidding...) Ang ibig sabihin nito sa Tagalog ay yung ugali ng karamihan sa mga Pilipino na Manyana Habit or Mahilig ipagpa-mamaya or ipagpa-bukas ang mga bagay na dapat nang gawin ngayon...
Procrastination is a negative attitude... Kung may mga bagay kang kailangang gawin na ngayon, gawin mo na! Wag na ipagpa-mamaya or ipagpa-bukas. If you are procrastinating, you are also delaying the achievement of your DREAMS. All of us have 24 hours, right? Its just a matter of how you spend it. Sa totoo lang, yung mga wealthy at successful na tao, hindi nila alam kung paano pagkakasyahin ang 24 oras na yan sa dami ng kanilang mga activities. But on the contrary (and funny..), the ones who are broke and unsuccessful, hindi nila malaman kung paano uubusin ang oras sa kakanood ng TV, pag tambay, or sa kung anu anong walang kwentang bagay... Robert Kiyosaki isn't bluffing when he said...
"The difference between rich people and poor people is
how they spend their spare time..."
May Pangarap ka diba? Diba gusto mo ng makuha yan sa lalong madaling panahon? Bakit mo pa papatagalin o idedelay ang pagkuha ng mga bagay na yan kung pwede namang ASAP diba? Kaya ka tumatagal sa industry ng walang resulta kasi kasalanan mo rin eh, pag may kelangang gawin eto lagi sinasabe mo...
- Mamaya na lng, maaga pa naman eh...
- Bukas na lang, antrapik eh...
- Mamaya na lang, ang init eh...
- Later na lang, umuulan pa eh...
- Mamaya ko na itetext/tatawagan, la kong load eh...
- Next week na lang, anlayo kasi eh...
- at marami pang invalid na dahilan/rason...
Remember: Hinding hindi ka mauubusan ng DAHILAN! At kapag puro ka rason or dahilan, eto ang sasabihin sayo ng mga pangarap mo: "Mamaya/Later/Bukas/Next Week/Next Year mo na lang din ako makukuha..."
Here are some tips na mabibigay ko sayo to avoid procrastination:
1. Set Goals that are big enough/challenging/time bounded...
2. I-order ang mga goals mula sa most important at least important...
3. Have a daily planner or calendar...
4. Ilagay ang written goals sa isang lugar na lagi mong nakikita...
5. Iwasan ang mga tao/bagay na maaring makapagpa-bagal sayo like TV, Facebook, mga Tropang negative, etc.
6. I-treat ang bawat goal or activity as if your life depends on it...
7. Imaginin mo kung anong feeling mo kapag na-accomplish mo ang goal or activity na yun...
Final Words: Maximize your Time! Don't Delay! Act Now! Ika nga ni Michael Jordan sa Nike Advertisement...
So there you have it, the third pitfall... I hope na may natutunan ka sa na-share ko today. Sana lang mai-apply mo agad sa sarili mo... Till next post! =D
Your lifetime friend and coach,
Rocky dela Cruz
No comments:
Post a Comment